RSS | Archive | Random

About

Following

24 February 10

Mismo!

Maaari ka bang sumama sa mga ibon sa himpapawid
kung hindi ka naman marunong lumipad?

Maaari ka bang sumisid sa ilalim ng dagat
kung hindi ka marunong lumangoy?

Maaari ka bang maglakbay
kung hindi mo alam kung saan ka tutungo?

Maaari ka bang maligaw
kung alam mo naman ang daan?

Maaari ka bang maging masaya 
kung hindi mo alam ang dahilan?

Maaari ka bang umiyak
kung ang lahat naman ay masaya?

Maaari ka bang matakot sa dilim
kung nasisilaw ka naman sa liwanag?

Maaari ka bang tumakbo nang mabilis
kung hindi ka naman makalakad?

Marami ka sigurong gustong gawin..
Kahit na ito’y imposible
ang mahalaga ay hindi ka natatakot na isiping
kaya mo itong gawin kahit na imposible..

  1. jenskye posted this
Themed by Hunson. Originally by Josh